Thursday, September 19, 2013

"'Wag Ka Nang Umiyak"

Huwag ka nang umiyak
Pag-ibig ko sa iyo ay tiyak
Huwag ka nang malungkot
Paglisan ko ay wag ikatakot
Sapagkat sa iyo ay hindi mawawala
Kasama mo ako sa iyong pagluha
'Wag nang ikalungkot ang aking katahimikan
Hindi ko nais na ako ay iyong pag-ispan
Na ika ay kinukulong at sinasakal
Dahil gusto ko na tayo ay magtagal
Hindi ko nais na malimot mo ang iyong sarili
Hindi ko nais na ang mundo mo'y sa akin ikubli
Dahil sa oras na pag-ibig mo sa sairi'y naglaho
Kasabay nito, ang mundo ko ay guguho
At kapag ang sarili mo sa iyo nawala
Ngiti sa iyong mga labi ay titila
Malulungkot kahit tayo ay magkasama
Pag-ibig sa akin iyong ipagtataka
Ako ay iyong iiwan upang hanapin ang sarili
At sa ganitong dahilan, hindi kita masisisi
Kaya sa akin, pakiusap, huwag nang mayamot
Mga gawa ko ay buhat na rin siguro ng takot
Sapagkat sa iyo ay ayaw kong mawawala
Sasama mo ako sa lahat ng iyong pagluha
Ipagpaumanhin mo ang pag-ibig ko sa iyo
Ipagpaumanhin mo na rin ang mga takot ko


"Share the light." :D

No comments:

Post a Comment